Monday, September 20, 2004

apat na linggo

Sem break na, apat na linggo na lang ang hihintayin kong lumipas. Tatlong buwan ko na 'tong natiis; at sa totoo lang, naging komportable na 'ko dito, mejo masaya na rin. Pero hindi ako kuntento. Nadine, hindi mo 'ko kelangang batukan. Nasa tama pa 'kong pag-iisip. Meron pa rin akong planong bumalik sa kung saan man tayo nanggaling. Gusto ko talaga. Sobrang gusto ko.
Ayoko ng ganito. Ayokong maging kagaya nila. Hindi ko alam kung ano sila, basta hindi ako kagaya nila.
Hindi 'to masama, hindi rin naman ako masama. Ganito lang talaga.
Just putting things where they should be. And my pride's not one of them.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home