Wednesday, July 26, 2006

ika-26 ng hulyo

nung lunes, papunta kami ng ate ko sa commonwealth. dumaan kami sa masinag at sira ang traffic light. hindi ko alam kung aandar ba ako o hindi. ang sabi nung mamang pulis na dumaan sa harapan namin, "kanya-kanyang diskarte 'yan!"

***

naalala ko lang.. i went to confession when i was in fourth year hs. nabanggit ko lang sa pari na nagkaka-doubt ako sa faith ko. teenager thing. ang sabi sa 'kin nung pari magbago na daw ako. dahil daw sa mga kagaya ko kaya nagkakaganito ang mundo (hindi ko alam ang ibig niyang sabihin sa 'nagkakaganito). nanlalaki 'yun mga mata niya at tumataas ang boses. nakakatakot, "magbago na kayo! magbago na kayo!"
pinagdasal niya 'ko ng sampung LORD'S PRAYER, sampu ring HAIL MARY. scary.

ayoko na ulit mag-confession.