Sunday, March 26, 2006

oo na

nagbago na nga ako. hindi na ako ang kilala kong ako dati. hindi ko alam. naiiyak ako. bakit ba? gusto kong uminom at magpakalasing. ngayon, naiintindihan ko na ang hindi ko maintindihan nun bata ako. masarap talagang mag-inom, kahit papano, nakakalimot sa katotohanan. kahit alam mong anjan pa rin ang problema paggising mo, ayus na 'yung ilang oras na pagtakas. solve na. nakakainis. naiinis ako sa sarili ko. ang sama sama na ng ugali ko. sobra. hindi ako 'to. pramis. putang ina, ano ba 'to? nagiging emosyonal na ba 'ko? haha. lahat 'ata ng emosyong pinilit kong itago sa loob ng 17 years ko sa mundo, ngayon lumalabas. ok, 19 years. ang tanda ko na pero wala pa rin akong nagagawang makabuluhan sa mundo o sa kung sinumang tao sa paligid ko. walang kwenta ang buhay ng tangang katulad ko. lalo lang naging tanga dahil sa kanya, sa 'yo, sa inyo.

oh, well. huhupa rin 'to, alam ko. tama na. pagod na 'ko. tapusin na natin ito. ;(

1 Comments:

Blogger derf escober said...

introvert and extrovert person... bangaga ka!! pero matalinong tanga!! tara inom tayo!! tara kumawala sa pagkaka piring..puting munting bulaklak ay hindi kailan may gigising sayo!! umikot ka at magliwaliw ng makita mo ang srili at gusto mo!! tara pansamantal sa alak muna tayo dumipende.. derf to

3:11 PM  

Post a Comment

<< Home