Saturday, January 21, 2006

Sinubukan ko, hanggang kaya, na umiwas sa isang halimaw na tiyak lalamon sa akin. Ngunit mahirap pala. Katulad ko ang isang batang tumatakbo palayo kay mamang sorbetero. Hindi maiwasang hindi lumingon pabalik upang isiping “ano kaya kung…?” Pero matigas pa rin ako. Kasintigas ko na yata ang batong ipinupukpok ng mga babae sa ulo nila. Marahil, mas matigas pa. Hinding hindi ako patatalo, hindi man lamang pahihintulutang pumatak ang isang butil ng luhang nagpipilit umalpas sa kanyang pagkakabilanggo. Bakit? Dahil nga… matigas ako. ‘Sing tigas ng batong ipinupukpok ng mga babae sa ulo nila. ‘Sing tigas ng sorbetes na patuloy na tinatakbuhan. ‘Sing tigas mo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home