Sunday, March 26, 2006

oo na

nagbago na nga ako. hindi na ako ang kilala kong ako dati. hindi ko alam. naiiyak ako. bakit ba? gusto kong uminom at magpakalasing. ngayon, naiintindihan ko na ang hindi ko maintindihan nun bata ako. masarap talagang mag-inom, kahit papano, nakakalimot sa katotohanan. kahit alam mong anjan pa rin ang problema paggising mo, ayus na 'yung ilang oras na pagtakas. solve na. nakakainis. naiinis ako sa sarili ko. ang sama sama na ng ugali ko. sobra. hindi ako 'to. pramis. putang ina, ano ba 'to? nagiging emosyonal na ba 'ko? haha. lahat 'ata ng emosyong pinilit kong itago sa loob ng 17 years ko sa mundo, ngayon lumalabas. ok, 19 years. ang tanda ko na pero wala pa rin akong nagagawang makabuluhan sa mundo o sa kung sinumang tao sa paligid ko. walang kwenta ang buhay ng tangang katulad ko. lalo lang naging tanga dahil sa kanya, sa 'yo, sa inyo.

oh, well. huhupa rin 'to, alam ko. tama na. pagod na 'ko. tapusin na natin ito. ;(

wala na nga bang pag-asa?

ang sabi ng tita ko, napaka-idealistic ko raw. nakakulong raw ako sa isang pag-iisip na maisasaayos pa ang sistema, ang mundo. nasa totoong mundo raw ako, at kahit mahirap at nakatatakot tanggapin, pera na raw ang nagpapaikot nito. ang mas nakatatakot at mas nakalulungkot pa sa sinabi niya, wala na raw talagang pag-asa ang pinakamamahal kong bansa. isang ebidensiya daw ang mga pinsan kong kung tutuusin, masagana at luxurious ang buhay. may balak na ring mag-migrate sa australia. natatakot daw sila para sa kinabukasan ng mga anak nila. ang kuya ko naman, dati ring sobra ang pagiging idealistic, pero ngayon, nag-iisip na ring magtrabaho sa isang MNC at magpa-destino sa ibang bansa. ang sabi nila, mag-abroad na rin ako at dito na lang mag-retire in the future. ang sabi ko naman, ayoko, hindi ko iiwanan ang Pilipinas. ang sagot naman nila, tawang nakalulungkot. nakaiinis din dahil hindi ako naniniwala sa kanila. pinanghahawakan ko pa rin ang paniniwalang may pag-asa pa rin tayo. ayokong umalis dito nang pangmatagalan. kasi nga may pag-asa pa tayo. kung lahat ng Pilipino, iisiping ang pagpunta sa ibang bansa ang kasagutan sa problema, sino pa ang maiiwan dito? lalo lamang lalabo ang kinabukasan ng bansa.

haaay, ewan.

Thursday, March 16, 2006

ang tagal na nito

Those were my laughter,
Now back to her.
There she goes,
Again in vertigo in the
Tang of your sweet words.
Here I am,
Trapped, once more,
In my blissful desolation.
And you, once nearly mine,
There you go, as you were,
Still carrying on without
A remnant of remembrance
Of what was ours.

Wednesday, March 15, 2006

digress

'cha, nasa real world ka,' ang sabi mo.
oo nga, ilang ulit mo na ring sinabi 'yan sa nagbibingibingihang ako. ang nakalulungkot lang, hindi ko maiwas-iwasang maging bahagi ka rin nito.

paano ba maging tipikal?

may bago na namang dumating. ngayon, tiyak nang lipas ang dati.

pasensya na kung mejo mababaw.

haha. hindi na 'ko single. i now have an official relationship.
nakakapagod din kasing makipaglokohan. siguro hindi lokohan, pero ganon din naman 'yun. hindi seryoso, may iba, hindi exclusive, etc., lokohan. nakakainis lang, iisa ang reaksyon ng mga kaibigan ko: gulat. sobra pa nga sa gulat. parang sinabi kong may sakit ako at mamamatay na sa isang buwan. sira ulo talaga. ewan ko, sabi ko nga sa sarili ko, sinusubukan ko lang maging tipikal. hindi ko sinasabing i'm beyond typical. gusto ko lang ng tipikal na relasyon. 'yun puno ng ka-cornyhan pero masaya at nakakakilig. haha. 'yun may holding hands, may i love you, and all that. wala lang. gusto ko lang talaga. para naman makadagdag, kahit kaunti, sa kasiyahan ko sa buhay. chaka sa sakit, alam ko kasing masakit 'yun, and i love pain. i really enjoy feeling it. ngayon ko nga lang na-discover sa sarili ko 'yun eh. at dahil 'yun sa kanya. yuk, ang corny. haha. wala lang.

biance, jamie, sam, eia, kimi, at kayong lahat: what is love nga ulit?

bago pa man magpatihulog sa patibong mo at ng mundo, sabihin na kung gaano ang sakit. -- mula sa akong nag-aalinlangan

wala lang

hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ko sa buhay ko. nakabalik na nga ako sa eskuwelahan ko, pero parang ganon pa rin ang nangyayari. ewan ko ba. nakakatawa na nakakainis. hindi ko alam. parang gusto ko lang magpahinga, kahit one month lang. kung meron lang nabibiling remote control na dalawa lang ang buttons: stop at continue, pipiliin ko talagang tumigil muna ang mundo, 'yun ako lang ang makagagalaw at magagawa ko ang lahat ng mga bagay na isinantabi ko sa mga nagdaang kahapon. sana nga ganoon na lang ang oras, mapapagalaw natin ayon sa sariling kahilingan. pero imposible. sana lang naman. gusto kong hilahin pabalik ang oras upang hindi sayang ang mga sinayang na sila. ang daming dapat gawin, paminsan marami rin namang oras, pero ang hirap talagang kumilos madalas. may nabibili bang gamot para kahit dalawang buwan, maging robot ako na gagawin ang mga dapat gawin no matter what? hay.. ewan. ewan. ewan. hindi ko alam. pero alam ko. alam kong alam ko.

sandali lang, hahanapin ko muna ang sarili ko.
ang ganda nga pala ng buwan sa labas. malaki, mababa, at halos orange ang kulay.
sana laging ganon.