Wednesday, March 15, 2006

wala lang

hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ko sa buhay ko. nakabalik na nga ako sa eskuwelahan ko, pero parang ganon pa rin ang nangyayari. ewan ko ba. nakakatawa na nakakainis. hindi ko alam. parang gusto ko lang magpahinga, kahit one month lang. kung meron lang nabibiling remote control na dalawa lang ang buttons: stop at continue, pipiliin ko talagang tumigil muna ang mundo, 'yun ako lang ang makagagalaw at magagawa ko ang lahat ng mga bagay na isinantabi ko sa mga nagdaang kahapon. sana nga ganoon na lang ang oras, mapapagalaw natin ayon sa sariling kahilingan. pero imposible. sana lang naman. gusto kong hilahin pabalik ang oras upang hindi sayang ang mga sinayang na sila. ang daming dapat gawin, paminsan marami rin namang oras, pero ang hirap talagang kumilos madalas. may nabibili bang gamot para kahit dalawang buwan, maging robot ako na gagawin ang mga dapat gawin no matter what? hay.. ewan. ewan. ewan. hindi ko alam. pero alam ko. alam kong alam ko.

sandali lang, hahanapin ko muna ang sarili ko.
ang ganda nga pala ng buwan sa labas. malaki, mababa, at halos orange ang kulay.
sana laging ganon.

1 Comments:

Blogger etsapwera said...

Wala naman. Nais ko lamang sabihin na ganyan na ganyan ang nararamdaman ko nung nasa Ateneo pa ako, Charm. Ganyan na ganyan. The remote control thing, pahinga, etc. Dagdag: na pakiramdam ko ikinakahon ako, na habang nasa Ateneo ako, hindi ako malaya. Na kung gusto kong makibagay, dapat nga akong maging robot. Kaya siguro isang blessing in disguise na rin na natanggal ako dahil sa grades ko. Dahil sa pag-iwan ko ng campus na yon, nakahanap ako ng direksyon. Nagagawa ko na ang dapat kong gawin dahil hindi na ako masyadong maligalig. Dahil naliwanagan na ako kung ano ang dapat kong gawin upang makamit ang hinahangad kong pagbabago (o kalayaan ng Pilipinas ;p).

Dinadamayan kita Charm. Sana makatulong itong yakap na ito. *hug*

Ingat ka lagi.

7:59 PM  

Post a Comment

<< Home