ang sabi ng tita ko, napaka-idealistic ko raw. nakakulong raw ako sa isang pag-iisip na maisasaayos pa ang sistema, ang mundo. nasa totoong mundo raw ako, at kahit mahirap at nakatatakot tanggapin, pera na raw ang nagpapaikot nito. ang mas nakatatakot at mas nakalulungkot pa sa sinabi niya, wala na raw talagang pag-asa ang pinakamamahal kong bansa. isang ebidensiya daw ang mga pinsan kong kung tutuusin, masagana at luxurious ang buhay. may balak na ring mag-migrate sa australia. natatakot daw sila para sa kinabukasan ng mga anak nila. ang kuya ko naman, dati ring sobra ang pagiging idealistic, pero ngayon, nag-iisip na ring magtrabaho sa isang MNC at magpa-destino sa ibang bansa. ang sabi nila, mag-abroad na rin ako at dito na lang mag-retire in the future. ang sabi ko naman, ayoko, hindi ko iiwanan ang Pilipinas. ang sagot naman nila, tawang nakalulungkot. nakaiinis din dahil hindi ako naniniwala sa kanila. pinanghahawakan ko pa rin ang paniniwalang may pag-asa pa rin tayo. ayokong umalis dito nang pangmatagalan. kasi nga may pag-asa pa tayo. kung lahat ng Pilipino, iisiping ang pagpunta sa ibang bansa ang kasagutan sa problema, sino pa ang maiiwan dito? lalo lamang lalabo ang kinabukasan ng bansa.
haaay, ewan.